It’s constipated. Bagong tawag sa relasyong hirap ilabas ang feeling nila sa isa’t-isa.
Naging araw araw na gawain ko ngayong summer, malapit ng matapos. Mamimiss ko tong mga bagay na ‘to. =)))
- Pinaka maagang gising 10 am
- Kakain, pagsasabayain ang Almusal at tanghalian
- Pag may Bball game, ng 1pm, direcho court
- Wala akong pinalampas na game, umaga, gabi nasa court
- Uuwi ng bahay, mag oonline sa phone maghapon
- Mag ssoundtrip
- Makikipagkwentuhan sa pinsan
- Magmimiryenda
- Mag aaya gumala kahit saan
- Biking
- Badminton
- Football (minsan)
- Aabangan ang UBER
- Pag dating ng gabe, kakain
- manonood Primetime Bida
- Shempre, di pahuhuli sa PBBTeens!
- Maliligo ulit
- Mag oonline na sa pc
- Magpupuyat
- Mag out 2 or 3am
- Hihiga sa kama, paikot-ikot, makikipagkwentuhan kay Peng
- Soundtrip again,texting minsan telebabad sa kausap
- Hindi makakatulog
- Time check sa phone 4 or 5am
- Makakatulog naaaa!!!!!!
Sa mga bagay na ‘to, naging masaya ang summer ko. Isama na natin ang Outing, at mga Shots na naganap. Pinili kong hindi magsummer class dahil mas gusto kong mag enjoy muna. At dahil din jan sa mga bagay na yan, nakalimot ako sa masakit na nakaraan. BOW!
I really thank God for these things and of course sa mga taong nasakama ko! Simpleng bagay pero naging masaya ako. Sana maulit next summer!
You know I like you but I don’t wanna take the risk. So confused and I don’t know how to deal with it. Need sometime for awhile before I give my heart away.
Magulo na kung magulo. Pero ganun talaga yung nararamdaman ko e. Hindi ko alam kung ano ng nangyayare. Masaya lang siguro ako kasi may nagbibigay na naman ng atensyon saken. Oras lang, masaya na ‘ko. Kahit sino naman e, sumasaya pag nabibigyan ng oras, diba? Hindi ko nararamdaman yung PAMPALIPAS ORAS na sinabsabe ng iba. Kasi ramdam ko yung care. Yun nga lang, alam ko mali na naman ‘to. Katulad din ng past. Tsk. Hindi ko din naman sinadya, or what. Basta hindi ko alam! May common things sila, malamang, at hindi yun yung kinatutuwa ko. Actually, naasar ako kapag nakikita or nararamdaman ko yung similarities nila. Grabe ang dame nilang similarities!
Friends lang kami. Hindi ko binibigyan ng meaning lahat ng ginagawa niya, NATUTUWA lang ako. Pero the more na natutuwa ako, nakaka praning! =))
Sweet lang talaga sha. Tulad nga ng sinabe niya, “Hindi ako malandi, sweet lang talaga ‘ko” Pag nagbibitiw sha ng salita, sinasabe ko patunayan niya. Pero natahimik ako nung sinagot niya ko e. “Papano ko papatunayan, kung ayaw mo naman na gawin ko sayo?” As in, wala akong naisagot kasi nganga talaga ko.
Alamo yung NADALA na? ako yun e. Kaya ayoko muna, nakakatakot na masaktan ulit. Kaya sinabe ko sakanya yun. Ayoko muna. Pero willing na willing kasi sha. Papatunayan daw niya na di sha katulad ni ***. Parang sincere naman sha. Pero di parin maalis sa isip ko yung takot e. Lalo na magpapasukan na naman, gusto ko kasi na magfocus muna.
Sinusungitan ko na sha, pag nag ppm sha di agad ako magrereply hanggang sa mangulit na sha tas lalambingin lang ako. 100% sagad na yung pangtataray ko sakanya, waepek! Buti nga, hindi sha napipikon saken e. Nakakatuwa lang. The way na ang lambing niya tapos ako balewala lang babasagin ko lang sha. Kahit na antipid na ng reply ko, sha sige padin ng text. Inaasar ko lang talaga e. Sha pa yung mahilig magsorry pag nagagalit ako ng walang dahilan. Parang tanga diba? hahaha! Kasi nga ayoko na dumating sa point na, alamo na. Kaya pinipilit ko yung sarili ko na walang mafeel ng something. As in wala lang.
Iba kasi yung kanya e. Nagpapakita sha ng care kahit di ko sinusuklian. Ang galing e. Pero minsan napapaisip ako, parang gusto kong pagbigyan, pero ayoko. Hindi ko alam bakit ang gulo gulo ko. Minsan nga, hinahanap hanap ko na yung text niya e. Once lang yata ako nag pm sakanya, tapos sha na palage kaya palage na kami nagkakatext. Sa chat, sa twit, sha palage nauuna mag pm. Gusto rin niya, inaupdate sha sa mga ginagawa ko. Para pang nanay. Makapag utos, wagas. HAHA! Sige naman ako sa sunod. Gustong gusto niya nga ako puntahan dito e. Ayoko nga. Ako nalang daw pumunta dun, mas lalong ayoko. Makulit kasi sha!
Tumatawag na rin sha. Kahit na sinisigawan ko sa phone, namumura ko pa ngae. Wala lang sakanya. Ang sweet pa ng isasagot sayo. “OKAY, WAG MO NA KO SIGAWAN, PLEASE WAG KANA MAGALIT, I LOVE YOU” Tapos ang isasagot ko lang “HAHAHA! OKAY” Nakakainis, kasi parang expression lang niya yung salitang yun. Kaya siguro, wala lang yun. Basta, lahat na yata ng kasweetan, nandun sa taong yun.
The bad thing is, meron shang gf. KFINE! Wala yun saken, inaasar ko pa nga sha e. Sinasabihan ko sha sa mga ginagawa niya. Wala daw shang pakielam. ANG TAPANG NGA! Grabe lang. Kala mo totoo. HAHA! Tapos, pinapayuhan ko nalang sha kapag nagsusumbong sha saken. Kasi ayun naman talaga silbi ng friend, diba?Pinapakita pa niya na kayang kaya niya iiwan yun. nakakinis talaga! Napilitan lang daw kasi sha dun. Ayoko namanng ganun e.
sha din, mahilig mang asar. Inaasar niya din ako kay ***. Pero pag sinundan ko yung pang aasar niya at nagkwento na ko about kay past, tumatameme na yun. nagtatampo na. TALO! =))))))))))
SWEET FRIENDS, yan kami. Natutuwa laang talaga ako sakanya kaya sumulat ako ng ganito. KTHANKSBYE!